Martes, Abril 3, 2012

Hindi naman ako nagbago. Ganoon pa rin ako. Kung meron mang nagbago, iyon ay ang pakikitungo ko sayo. Pero hindi ko naman ito ginusto. Napilitan lang ako. Hindi ko rin kasi nagugustuhan ang pagtrato mo. Alam kong ganyan ang personalidad mo. Na laging kailangang mapapansin ka ng mga tao. Na kailangang ikaw lagi ang bida. Pero iba na kapag nakakaapak ka na. Iba na kapag ako na ang kinanti mo. Dahil alam mong sobrang sensitibo ko. Alam mong dumaan ako sa maraming bagay kaya madalas na emosyonal ako. At pinipilit ko iyon baguhin. At malaki na din ang pagbabago ko. Pero kung napapalibutan ako ng mga taong kagaya mo, na pagdusta sa iba ang ikinatataas ang tingin sa sarili nila, lalo lang akong mahihirapan sa sariling laban ko. Kaya mas mabuti nang ganito. Mas mabuti nang umiwas sa iyo.