Huwebes, Marso 29, 2012

Pagtataka

Anong ba ang nakita mo
At pinili mo ako?
Hindi naman karapat-dapat
Hindi naman naging tapat sayo

Iniisip kong mabuti
Kung ano nga bang meron ako
Na nakapukaw sa mata mo
At nagbunsod para tawagin ako

Sinisiyasat ang sarili
Ngunit hindi talaga mawari
Dahil alam kong ako'y marumi
Maraming nagawang pagkakamali

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito
Ay pinatawad mo ako
Nilimot ang kakulangan ko
At nakangiting niyakap mo

Miyerkules, Marso 21, 2012

Wala akong galit sayo.
Hindi ko rin nais makipagaway o kung ano.
Pakatandaang labis labis ang pagmamahal ko
Ngunit sa ngayon, ayaw munang makarinig
ng kung anumang makapagpapaalala sa iyo
Ang bawat patak
ng ulang ito'y may
hatid na lumbay
Wala pa ring nagbago
Gaya noong araw na sinagot mo ako
Labis labis pa rin ang tuwa
Hindi nagmaliw ang ligayang nadarama

Isang buwan na ang nakararaan
Simula noong tayo'y naging magkasintahan
At sa bawat araw na dumaraan
Mas tumitindi ang pagmamahalan

Pag-iibigan ma'y di perpekto
Mga bagay ma'y medyo magulo
Hindi man lahat ay umaayon sa ating gusto
Asahan mong patuloy lang akong kakapit sa iyo

Dahil anomang sabihin ng iba
Sa atin ma'y tumutol sila
Kahit mundo ma'y tumalikod na
Patuloy pa rin na mamahalin ka

Kaya giliw ko
Laging asahan mo
Kahit ako man ay kilalang sira ulo,
Tapat ang pag-ibig ko sa iyo.