Kay bilis ng iyong paglisan.
Maaga kaming iniwan
Ngunit sa maikling panahon na nagkakilanlan
Kay rami sa iyong natutunan
Noong isang araw lang ay magkausap tayo.
Binanggit ang paghanga ko sa kahusayan mo.
Hndi akalaing iyon na rin ang huling tagpo.
Ang huling pagkakataon na makapagpasalamat sayo.
Salamat, kaibigan.
Sa inspirasyon na iyong iniwan
Nawa'y kung nasaan ka man
Ngayo'y nakangiti mo kaming pinagmamasdan
Miyerkules, Nobyembre 30, 2011
Ang lahat ay may katapusan
Mauupos din ang kandila,
Maglalaho ang liwanag nitong dala,
Ang kadiliman ay mamamayani na,
Kalungkutan ang siyang madarama.
Walang makatatakas,
Lahat ay magwawakas,
Kahit ang mga tila malalakas,
Ay para ring dahong malalagas.
Hindi makaiiwas ang sinoman.
Buhay sa mundoy may hangganan.
Ang pinakanakatatakot na katotohanan,
Ang lahat ay may katapusan
Maglalaho ang liwanag nitong dala,
Ang kadiliman ay mamamayani na,
Kalungkutan ang siyang madarama.
Walang makatatakas,
Lahat ay magwawakas,
Kahit ang mga tila malalakas,
Ay para ring dahong malalagas.
Hindi makaiiwas ang sinoman.
Buhay sa mundoy may hangganan.
Ang pinakanakatatakot na katotohanan,
Ang lahat ay may katapusan
Biyernes, Nobyembre 25, 2011
Sa kabila ng mga unos
Lumulubog ang araw
Ngunit muling sumisikat naman
Nagtatago ang buwan
Pero muli rin nasusulyapan
Sa pagtila ng ulan,
Bahaghari ay nasisilayan
Sa pagtatapos ng unos,
Mamamayapa ang karagatan
Kaya't huwag sumuko
Patuloy na kumapit lang
Dahil sa kabila ng kadilimang kinasasadlakan
Ang liwanag ay muli ring magigisnan

I need you know to
Save me from insanity
Stay beside me
Save me from insanity
Stay beside me
Huwebes, Nobyembre 24, 2011
Sa huling pagkakataon
Nais ko sanang magpasalamat sa iyo
Salamat dahil ikaw ang unang inibig ko
Na dahil sa iyo ay mas nakilala ko ang sarili ko
At tinuruan mo akong magpaka-totoo
Salamat dahil minahal mo ako
Nga pala, mali ka nung sinabi mong nasaktan mo lang ako
Kasi sa loob ng tatlong buwan na nagmahalan tayo,
Sobra sobra ang kaligayahang nadama ko
Salamat sa mga masasayang alaala
Sa mga pagkakataon na pinakilig mo ng sobra
Salamat sa lahat ng pagpapasensya
Sa kakulitan, kababawan at lahat ng aking mga drama.
Salamat kasi kahit sa huli ay ako pa rin ang inisip mo
Lumayo at pinilit akong mamuhi sa iyo
Ginawa ito para mawala na ang pag-ibig ko
Para hindi na masaktan pa ng todo
Salamat kasi kahit parte na ng nakaraan ang 'tayo',
Ay nandyan ka pa din lagi sa tabi ko
Salamat sa pagtupad ng ating pangako
Na habang-buhay ang pagkakaibigan na ito
Laging pakatandaan na nandito lang ako
Kahit marami nang nakapalibot sa iyong mundo
At kahit na ba marami nang nagbago
Mananatili pa rin ang pagpapahalaga ko sa iyo.

Martes, Nobyembre 22, 2011
Huwag kang matakot magmahal. Masaktan ka. Umiyak ka. It's a learning process. At kung hindi mag work, will ni God yun. Kasi He has someone better in mind para sa'yo.
Lunes, Nobyembre 21, 2011
Dahilan ng Paglayo.
Minsan kasi talaga, kailangan mong alisin lahat ng magpapaalala sa iyo sa isang bagay para tuluyan mo na itong makalimutan. Pero hindi naman nangangahulugan na binubura mo na ito sa buhay mo. Siguro ay kailangan mo lang ng espasyo para matanggap ang lahat at mawala na yung sobrang pagpapahalaga mo dito. Kasi diba mahirap naman talaga na magpanggap na ayos lang ang lahat habang ang loob mo ay nahihirapan na.
Minsan di ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa t'wing nag iisa
Ano na kayang balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako?
Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Lalo na sa t'wing nag iisa
Ano na kayang balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako?
Simula nang ikaw ay mawala
Wala nang dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Hindi na ako virgin.
Sa wakas, nakarating na rin ako sa Trinoma.
Si Nelsie, Rois at Gelo ang naka-devirginize sa akin. Haha. Ang paalam ko sa nanay ko, dun lang ako sa mall sa kabilang bayan pupunta. Pero napadpad ako sa MOA. Tapos wala pang kalahating oras kami doon ay napag-pasyahan naming pumunta sa Trinoma. Unang beses kong makarating doon. Ang sarap ng feeling. Haha. Charot.
Hinintay namin ang pagdating ni Khyle. Ilang oras din yun. Haha. At nung dumating siya kasama ang kuya nyangpapable, saka kami kumain. Ang tangkad ni Khyle. Nahiya ako. Haha.
Kuwentuhan, bastusan, videoke, at ka-bitteran kami buong hapon. Ang saya lang na sa unang pagkakataon ay naka-arbor ako ng baller. Salamat Gelo! Haha. Diretso tulog ako pagdating sa bahay dahil sa sobrang pagod.
Anim na buwan na tayo. Maraming salamat sa lahat ng mga kalokohang alaala na kasama ko kayo. Pasensya na kung madalas e hindi ako nagiging mabuting kuya sa inyo. Salamat sa pagintindi sa pagiging siraulo ko. Miss ko kaagad kayo. :)
Si Nelsie, Rois at Gelo ang naka-devirginize sa akin. Haha. Ang paalam ko sa nanay ko, dun lang ako sa mall sa kabilang bayan pupunta. Pero napadpad ako sa MOA. Tapos wala pang kalahating oras kami doon ay napag-pasyahan naming pumunta sa Trinoma. Unang beses kong makarating doon. Ang sarap ng feeling. Haha. Charot.
Hinintay namin ang pagdating ni Khyle. Ilang oras din yun. Haha. At nung dumating siya kasama ang kuya nyang
Kuwentuhan, bastusan, videoke, at ka-bitteran kami buong hapon. Ang saya lang na sa unang pagkakataon ay naka-arbor ako ng baller. Salamat Gelo! Haha. Diretso tulog ako pagdating sa bahay dahil sa sobrang pagod.
Anim na buwan na tayo. Maraming salamat sa lahat ng mga kalokohang alaala na kasama ko kayo. Pasensya na kung madalas e hindi ako nagiging mabuting kuya sa inyo. Salamat sa pagintindi sa pagiging siraulo ko. Miss ko kaagad kayo. :)
Kapag sinabi kong mahal kita, mahal talaga kita.
Ako yung taong mahilig magsabi ng 'i love you' sa mga kaibigan ko at mga taong mahalaga sa akin. Pero yung salitang 'mahal kita' ay naka-reserba para sa taong mahal ko talaga. Sa ngayon ay isa pa lang ang nasabihan ko ng ganoon at minahal ko talaga siya ng sobra. Pero nagwakas na rin iyon at parte ng nakaraan na. Umaasa ako na darating muli yung panahon na makakatagpo ako ng taong mamahalin din ako at masasabihan ko ng ganoong kataga. Yung tanggap ako sa kung sino ako, maging yung mga kahinaan at pagkukulang ko. Handa naman akong maghintay. Nakatagal nga ako ng dalawampu't isang taon diba? Ngayon pa ba ako magmamadali. Gusto ko lang kasi maka-sigurado na sa susunod na may sabihan ako ng 'mahal kita' ay hindi lang iyon ulit ibabasura.
Huwebes, Nobyembre 17, 2011
Jake: You don't want to do this, man.
Roger: It's too late, Jake. Like you ever cared.
Pagkatapos ng gagawing ito ay maglalaho na lahat ng kanyang hinanakit sa mundo. Titigil na ang kanyang pagluha at matatahimik na ang kanyang isip na sadyang madaming gumugulo. Itinapat niya ang baril sa bibig at kinalabit ang gatilyo. Bumagsak siya sa sahig na may ngiti sa labi na wari'y nagsasabing, 'Tapos na ang lahat ng paghihirap ko.'
Ito ay isang eksena mula sa aking paboritong pelikula. Labis ang pagkabiyak ng puso ko noong napanood ito dahil sa naging realisasyon ko sa bahaging iyon ng kwento. Maraming tanong na bumagabag sa isipan ko.
- Kelan nga ba ang huling beses na kinamusta ko ang isang kaibigan sa kanyang tunay na kalagayan? Yung hindi pangangamusta lang upang meron lang mapag-usapan.
- Kelan ko nga ba huling naipakita at nasabi sa mga tao na mahalaga sa akin kung gaano ako kapalad na nariyan sila sa buhay ko?
- Kelan nga ba yung huling pagkakataon na tumigil ako sandali para mag-alok ng tulong sa isang hindi ko kilalang tao?
- Meron bang taong hinahangad ang pagpansin ko pero akin pa lang nababalewala?
Maraming taong nakararamdam ng pag-iisa. Yung pakiramdam na wala sayong nagmamahal, walang may pakialam at wala kang kwenta. Madalas hindi natin ito napapansin dahil tinatago nila o sadyang abala tayo sa sarili nating buhay at wala nang pakialam sa iba. Minsan pa nga ay tayo pa ang nagiging dahilan upang ang labis na kalungkutan ay mas maramdaman nila.
Madalas kong isama sa panalangin ko na nawa'y i-comfort ng Diyos ang lahat ng nabibigatan ang loob at nangangailangan ng pagyakap, pagmamahal at pagtulong. Dahil noong mga panahon na nandoon ako sa ganoong kalagayan ay Siya lang ang naging tanging takbuhan ko. Pinangako ko noon na kahit papaano'y gagawin ko ang bahagi ko para hindi na iyon maranasan ng ibang tao. Pero naging makasarili ako. Oo nga't hindi ko iyon naiwawaglit sa aking mga panalangin pero hindi iyon sapat. Alam kong kailangan ko rin kumilos at may gawin.
Minsan kailangan din nating kalimutan sandali ang sarili at tingnan ang kalagayan ng iba. Na iparamdam natin na sila ay mahalaga. Kasi kahit ang ngiti ay maaaring isang balatkayo sa tunay na nadarama. Hindi naman kailangan ng salita, sapat na nandiyan ka. Ang simpleng akbay at yakap ay sapat na para maiparamdam mo na may pakialam ka. Dahil minsan hindi natin alam, sa simpleng bagay na ginawa mo ay meron kang buhay na naisalba.
Mga etiketa:
bullying,
solitude,
suicide,
thoughts,
to save a life
Aminin mo, kahit rindidong-rindido ka na sa mga paulit-ulit na sermon ng mga magulang mo, alam mo pa rin sa sarili mo na tama sila. Na kapakanan mo lang ang iniisip nila. Hindi ka nga lang sang-ayon sa sinasabi nila dahil taliwas yun doon sa tingin mo ay iyong ikasasaya kaya naiinis ka. Pero kung iisipin naman natin ay ginagawa nila iyon dahil sa mahal ka nila. Mas maigi na iyon kesa sa hinahayaan ka at binabalewala.
Mga etiketa:
:),
kahit pasaway ako,
love you ma,
thoughts
Miyerkules, Nobyembre 16, 2011
Paano nga ba aalisin ang pagiging tanga? Dati alam kong lahat ng solusyon sa mga problema ko pero dito lang ako sa pag-ibig lumagapak ng sobra. Hindi ko maintindihan pero tila ba may sariling buhay ang puso ko na kahit ba nasasaktan na ng sobra at ang utak ay todo kontra na ay patuloy pa din siya sa pagmamahal kahit na wala na namang pag-asa. Ewan ko kung trip ba ito o ganti ng tadhana sa mga nagawa kong kalokohan noon at pagpapaasa, pero namumuro na sya ha. Nakakasakit na. Pwede namang isang malakas na straight na lang sa mukha para isang tulugan lang at paggising ay okay na, pero mas pinili pa itong tumatagal. Pinaparamdam talaga sayo yung sakit. Haha. Ewan. Kung ganito lang talaga lagi kasakit e, ayoko na. Lalandi na lang ako. Mas okay pa. :)
Lunes, Nobyembre 14, 2011
TANGA NETO
Hindi batid ang kadahilanan
Kung bakit ba hindi mapigilan
Na sa bawat oras na dumadaan
Ay alalahanin ang gunita ng nakaraan
Na kahit anong sakit man
Kahit anong saklap ng pinagdaanan
Kahit naging bunga nito'y kabiguan
Namamayani pa rin ang pagmamahal
Siguro'y dahil kahit nagkalayo
At tuluyan nang nagsara ang pinto
At napako nang lahat ng pangako,
Mas malalim pa din ang naging pag-ibig ko sayo
Na kahit tapos na
At wala nang pag-asa pa
At nagawa na ding ang lahat ay matanggap na
Ang pagmamahal sayo'y hindi na maiaalis pa

Linggo, Nobyembre 13, 2011
Perstaym
Tila tumatalon ang dibdib
Magkahalong kaba at pananabik
Magkasama ngayon sa aking silid
Nakasandal sa pader na yari sa pawid
Biglang nagutla sa bigla mong paglapit
At walang pasabing inundayan mo ng halik.
Walang nagawa kundi ang kapusukan ay ibalik
Sa gabing ito'y lalasapin natin ang langit.
Inumpisahan mong ang aking damit ay hubarin
Hindi mawari kung ano ang gagawin
Natatakot, naduruwag,
Ngunit ayaw namang ang pagkakataon ay palampasin.
Ngunit mas nanaig ang pangamba
Dahil alam naman nating mali ang gagawin
Kaya't sa huli'y nagpasya ring ito'y itigil
Ang mahalaga'y paggalang ko isa't-isa'y buo pa rin.

Sabado, Nobyembre 12, 2011
Unang Pagtatagpo
Nananabik
Di na makapaghintay
Inaabangan ang iyong pagdating
Nanginginig ang mga kamay
At dumating ka nga
Puso'y napuno ng tuwa
Nang makita na sa wakas ang ngiti mo
Tila ba nawala na sa katinuan ko
Nang ika'y lumapit,
Hindi magawang makapag-salita
Ngunit ngiti'y 'di mapigil
Hindi maitago ang tuwang nadarama
Hindi makapaniwalang sa wakas ay nakita na
Ang dati'y sa isipan ko lamang nakakasama
At kahitn na saglit lamang ang naging pagkikita
Isa ang gabing iyon sa mga di malilimutang alaala

I woke up today
Thankful for Your love and grace
Guide me through the day
Thankful for Your love and grace
Guide me through the day
Dito sa kadiliman, Ikaw ang liwanag ko
Ang matibay na sandigan sa kabila ng magulo kong mundo
Dito sa katahimikan, tinawag Mo ako
Ang siyang nagbigay kulay sa buhay kong ito
Hindi mo tinitingnan ang aking mga pagkukulang
Patuloy ang pagpapatawad kahit kasalana'y paulit-ulit na lang
Kapanatagan ng puso'y Ikaw ang dahilan
Walang hanggang pasasalamat isasambit Sayo lamang

Huwebes, Nobyembre 10, 2011
At ang pagod ko
Ngayon ay pinawi mo
Baliw na sayo
Ngayon ay pinawi mo
Baliw na sayo
Miyerkules, Nobyembre 9, 2011
At sa paghimlay
Laman ka ng isip ko
Yakapin mo 'ko
Laman ka ng isip ko
Yakapin mo 'ko
At sa paggising
Ikaw pa rin ang kapiling
'Di panaginip
Ikaw pa rin ang kapiling
'Di panaginip
Nasasabik na talaga ng sobra
Na sa unang pagkakataon ay makita ka
Sa bawat oras na akin itong naaalala,
Ay hindi mapigilang ngumiti ng abot tenga
Ilang araw na lang ang paghihintay
At magagawa nang sa iyo'y makasilay
Sa wakas ay makikita na ang iyong mga mata
Na dati'y sa isipan lang ipinipinta.
Ang dibdib ay medyo may kaba
Dahil baka hindi mapansin ang aking presensya
Pero kahit isang ngiti mo lang sana
Ang araw ko'y magiging buo na.

Nakakatuwa magkaroon ng mga kaibigan na sobra ang pag-aalala sa iyo at sasabihan kang, 'Itigil mo na yan, tsong. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo sa ginagawa mo, e.'
Pero sa huli, kahit ano pang naging desisyon mo, kahit taliwas pa iyon sa naging payo nya sa iyo, at kahit sobrang tigas talaga ng ulo mo ay sasabihan ka pa rin ng , 'Sige lang tsong, doon ka sa ikaliligaya mo. Basta, ano't-ano pa man, nasa likod mo lang ako.'

friendship,
kaibigan,
robert69,
thoughts
Martes, Nobyembre 8, 2011
Cockblock to Happiness
Madalas,kaya hindi tayo nako-kontento ay dahil hindi natin naa-appreciate yung mga bagay na meron tayo at mas pinagtutuunan ng pansin na kaawaan ang sarili sa pagtingin sa mga bagay nae-enjoy ng iba pero wala sayo.
Isang malaking cock-blocker ang kadiskontentuhan para makamit natin ang ligayang inaasam.
Gaya na lang ang..
- Pag-skip ng meal dahil hindi mo gusto ang ulam. Pero kung tutuusin naman ay pare-pareho mo lang naman na ita-tae yan. Ginutom mo lang ang sarili mo, diba?
- Hindi pagsama sa bonding ng pamilya nyo dahil hindi ka napagbigyan sa luho mo. Na missed mo tuloy yung isang pagkakataon para maipakita mo ang pagmamahal mo sa kanila. Maaari pang samaan ng loob ang maging bunga nito. At lahat iyon ay dahil sa pagiging makasarili mo.
- Pag-iwan sa mga tunay na kaibigan mo dahil sa pagnanais mong maging parte ng mga inakala mong mga cool na classmate mo. Pero ang hindi mo alam ay sagot lang naman sa exam ang habol sayo. Na iiwan ka din sa bandang dulo.
- Yung ang dami-dami mong talento pero nagre-reklamo ka pa rin dahil para bang hindi ka nage-excel sa kahit anuman dito. Na palagi ka na lang so-so. Hindi mahusay sa anuman pinapasukan mo. Pero diba kung iisipin natin, mapalad ka dahil sa mga kakayahang ito. At kung hindi ka man mag-excel sa lahat ay maaari ka namang mag-focus sa isa at paghusayan ito. Kaso nga lang, madalas na mas nauuna sa atin ang pagre-reklamo.
May mga bagay kasi talaga sa mundo na hindi nakalaan para sa iyo. At kung pipilitin mo ang sarili mo ay lungkot lang ang idudulot nito. Kaya turuan ang sarili na tingnan yung mga bagay na mapalad ka na nae-enjoy mo. Doon mo ituon ang atensyon mo. At matutong magpasalamat dahil dito.

Linggo, Nobyembre 6, 2011
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala
Huwebes, Nobyembre 3, 2011
Madalas natatakot na tayong umibig dahil sa ayaw na nating masaktan. Pero kung iisipin naman natin, bago pa yung sakit, bago pa tayo iwan, mas masarap pa rin yung naging pakiramdam noong meron pa sayong nagmamahal. Kaya alisin yung takot. Kasama talaga sa pagmamahal ang masaktan. Malay mo diba, sa susunod na subok mo, mahanap mo na yung taong magmamahal talaga sayo ng lubusan.
Isa sa mga nakakatuwang bagay sa mundo ay iyong pagkakataon na makatagpo ng mga taong magpaparamdam sa iyo na mahalaga ka at masasabi mo na lang sa sarili mo na ang sarap nga naman talagang mabuhay.
Martes, Nobyembre 1, 2011
Teka nga muna saglit
At akin yatang nawawaglit
Kung bakit ako nasa lugar na ito
Kung bakit pinili kong manatili rito
Teka nga muna saglit
Pwede bang ako'y paki-haklit
Para magising na sa kabaliwang ito
Para matigil na ang nakakasawang drama ko
Teka nga muna saglit
Dahil nakikita na ang naging kapalit
Nang dahil sa nabigong pag-ibig ko
Ay nawala na ang galak sa puso ko
Kaya't babawi na lang ulit
Ang dati'y ibabalik ng pilit
Mga panahong puno ng ngiti ang labi ko
Ay muli na namang masusulyapan ng mundo

Ilang beses mo nang pinaasa
Pero heto't patuloy na pinatatawad ka
Ang dami mong binigong pangako
Pero hindi magawang kasuklaman ka
Alam kong wala akong karapatan maramdaman ito
Dahil kung iisipin ay kaibigan mo na lang ako
Wala nang puwang sa puso mo,
Hindi na parte ng iyong pagkatao
Pero ang hindi lang maintindihan
ay kung bakit pinaaasa na naman
Na matapos mo akong saktan,
Heto ka't nagbabalik na naman
Ako naman itong si tanga't
Agad-agad bumibigay
Kinalimutan ang nang lahat,
Dahil kaligayahan ko'y ikaw lang.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)