Martes, Pebrero 14, 2012

Hindi batid ang kadahilanan
Kung bakit ba hindi mapigilan
Na sa bawat oras na dumadaan
Ay alalahanin ang gunita ng nakaraan

Na kahit anong sakit man
Kahit anong saklap ng pinagdaanan
Kahit naging bunga nito’y kabiguan
Namamayani pa rin ang pagmamahal

Siguro’y dahil kahit nagkalayo
At tuluyan nang nagsara ang pinto
At napako nang lahat ng pangako,
Mas malalim pa din ang naging pag-ibig ko sayo

Na kahit tapos na
At wala nang pag-asa pa
At nagawa na ding ang lahat ay matanggap na
Ang pagmamahal sayo’y hindi na maiaalis pa

At ngayon nga'y nandito lang ako
Nag-iisa sa aking kwarto
Habang nagdiriwang ang lahat ng tao
Ngayong araw ng mga puso.

Sabado, Pebrero 11, 2012

Nais kong maglayag
Magpakalayo
Kahit saan pa mapadpad
Kahit di alam kung sa patutungo
Huwag lang dito
Huwag lang manatili sa kinatatayuan ko
Kailangan kong lumayo dito.
Kailangan kong iwan ang lahat ng ito

Sabado, Pebrero 4, 2012

Whatever I thought
a friend should be
I abandoned that thought
like you abandoned me

Miyerkules, Pebrero 1, 2012

Alam ko, napapansin nyo din naman. Hindi nyo lang masabi. Hindi kasi kayo sigurado. Takot din kasi kayo gaya ko. Takot sa katotohanan. Dahil hindi nyo alam kung ano ang gagawin kung sakali man. Ako man din ay patuloy na humahanap ng kasagutan. Hindi lang dito. Kasi mahirap talaga masagot ito. Kundi kasagutan sa kung papaano nyo ba maiintindihan ito. Kung paano mapapagaan ang magiging pagpasan ninyo sa kabigatang ito. Kailangan ko talagang unahing isipin yon. Dahil ayokong mahirapan din kayo. Kasi alam kong sa oras na malaman nyo ang tungkol dito, magiging kasama na kayo sa pagbuhat nito. At hindi ko maaatim na dahil sa kahinaan ko ay mahihirapan kayo. Labis na ikabibiyak lalong iyon ng puso ko.