Biyernes, Hulyo 1, 2011

Hindi yan ginagawa ng isang kristiyano.

Simula pa man noong kabataan ko ay ito na lagi ang bukang bibig ng mga tao sa paligid ko. Bakit kilos, bawat galaw dapat ay naaayon sa kung ano ang sa tingin nila ay tama. Alam ko naman na sa ikabubuti ko din ito ngunit minsan lang ay may mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit naging masama at bawal.

Noong medyo bata-bata pa ako ay hindi ako nae-enjoy ang mga laruan ko. Yung tipong wala pang isang linggo yung pinadalang laruang robot ng lolo ko ay sinira na kaagad ng tatay ko dahil hindi daw iyon magandang paglaruan at matututo lang akong maging bayolente. Ganoon din sa paraan ng pananamit. Kailanman ay hindi kami nakapag-suot ng mga bagay na may bungo, o ano pa mang medyo hindi magandang disensyo.

Gayunpaman, kahit alam kong madalas ay tama sila, ginagawa ko pa din ang sa tingin ko ay tama hangga’t hindi ako lumalampas sa limitasyon ko. Dahil ang pananampalataya naman ay isang relasyon at hindi sa kung ano ang nakikita ng mga tao sayo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento