Piliin mong maging masaya. Kalimutan ang mga bagay ng pumipigil upang ika’y maging maligaya. Ibaon sa limot ang hapdi ng nakaraan dulot ng mga bagay na pinagsisisihang hindi mo nagawa at mga bagay na sana’y hindi mo pala ginawa. Lumilipas ang panahon, at ang tanging mapagpipilian mo lang ay ang mawalan ng pag-asa o ang ipag-patuloy na harapin ng may ngiti ang bawat bagong umaga. Magtiwala ka. Kung talagang hindi mo na kaya, tandaan mong may Diyos na laging kang kasama. Tawagin mo lang Siya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento