Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Blog Hopping

Kinagigiliwan ko ngayon ang pagba-blog hop. Itinuro sa akin ito noong isang madaling araw ni Ms. Monik (Abakadamachine)dahil pareho kaming mga panggabing nilalang. Ang dami kong natutunan mula sa kanya. Mula sa mga terminolohiya at sa kung papaano ko pa mapapabuti ang aking pagba-blog. At doon niya nga nabanggit ito.

Ang totoo nyan e, hindi pa nga maituturing na blog hopping ang ginagawa ko ngayon. Ang sabi kasi sa Urban Dictionary, ang Blog Hopping daw ay 'hindi lang pagsu-surf sa net at pagbabasa ng ilang mga blog kung saan saan. Ang Blog hopping ay kapag nakakita ka ng ilang mga blog na sa tingin mo ay talagang kewl, na isinulat ng mga taong maaari mo talagang nakakaugnay at binibisita mo ang mga ito ng regular. Ang mga tao na ito ay nakakaramdam ng isang espesyal na pagsasamahan patungo sa bawat isa kaya't palagian silang bumibisita at nagbibigay komento sa mga blog sa kani-kanilang mga grupo araw-araw.'

Ang tangi ko pa lang nagagawa ngayon ay ang pagbabasa at pagbisita sa mga paborito kong blog. Hindi ko pa magawang mag-iwan ng komento dahil wala pa akong lakas ng loob. Nangangapa pa kumbaga. Pero sobra ko talaga itong kinagigiliwan. Siguro sa mga susunod na araw ay magagawa ko na din maki-halo at maki-gulo.

3 komento:

  1. ang galing naman. hehe hilig ko din kuya na mag scan sa ibat ibang kinds ng blog. kaso gusto ko din kasi matuto kung pano mapa improve yung writing skills ko. heh pacomment ha. :D take care!

    TumugonBurahin
  2. Hello wynn! Wow, ikaw ang unang nag-comment dito sa blog ko. Parehas tayo. Sa bawat pagbabasa kasi natin, parang nagkakaroon tayo ng pagnanasa na maging ganoon din diba? :)

    TumugonBurahin