Martes, Oktubre 11, 2011

Ipagpaumanhin mo sana, kung kinailangan kong tanggihan ang pag-ibig mo
Hindi kasi sigurado, kung handa nang muli ang puso ko
Ang iniiwasan lang naman ay ang masaktan ang damdamin mo
At huwag magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan na meron tayo

Ipagpaumanhin mo sana, kung bakit duwag ako
Natatakot lang kasing maulit ang bigong nakaraang pag-ibig ko
Kasi naman ay kahalintulad niyon ang sitwasyon na meron tayo
At hindi madalas gumagana ang sistemang gaya nito

Ipagpaumanhin mo sana,
kung pagkakaibigan lang ang kaya ko
Dahil mas magtatagal tayo kapag nanatili na lang na ganito
At kahit na ba hindi masuklian ang pagmamahal na alay mo
Laging pakatandaan na labis labis ang pagpapahalaga ko sayo.

4 (na) komento:

  1. May "SORRY" talaga na hanngang "SORRY" nalang :( tulad nito.

    TumugonBurahin
  2. Ang hirap mag-sorry lalo na kung alam mo yung pakiramdam ng ikaw yung sinasabihan nung 'sorry' na hanggang 'sorry' na lang.

    TumugonBurahin
  3. sorry ang hirap bitawan ng salitang ganyan

    TumugonBurahin
  4. Lalo na kung ayaw mo naman talagang makasakit.

    TumugonBurahin