Biyernes, Oktubre 7, 2011

Laruang Robot

Noong isang araw ay may nagtanong sa akin kung gagawa daw ba ako ng tula para sa Saranggola Blog Awards. Wala akong ideya masyado dito maliban na lang sa alam kong pagbibigay parangal ito sa mga natatanging blog.

Kaya't nagbasa-basa ako. Binasa ng maigi kung papaano. At kahit papaano ay nahikayat ang sarili na subukan ko. Pero noong nagsisimula na akong gawin ang sana'y entry ko, naisipan kong basahin ang ginawa ng iba pang lumahok dito. Nawindang ako. Nagulantang ang buong pagkatao. Ang huhusay. Wala akong panama sa mga ganito. 'Asa pa ko.' Ang tanging nasabi ko na lang sa sarili ko. Kaya ipagpapaliban ko na lang ang kalokohang balak na ito.

3 komento:

  1. Go! sali ka para masaya. Break ito para sayo, sa ating lahat (^_______^)

    TumugonBurahin
  2. Hahaha. Oo nga e, ms. monik. Para ma-experience man lang. Mabinyagan. Iniisip ko pa din yung mga pangyayare sa malungkot kong kabataan na may kinalaman sa laruan. hahaha.

    TumugonBurahin
  3. hindi mo kailangang ikumpara ang gawa mo sa gawa ng iba,sir. may huhusga ng akda kalaunan. ang mahalaga, kalabanin mo muna yung sarili mo at hikayatin na gumawa ng akda.

    by the way, kahanga hanga yung mga tula mo.

    TumugonBurahin