Linggo, Oktubre 9, 2011

Unfair ang Buhay

-Nakakapag-aral ka kahit hindi ka naman nagse-seryoso.
-Nakakakain ka kahit hindi mo naman pinagpapaguran ito.
-Ang laki pa rin ng baon mo kahit pinangga-gala mo lang kasama ng tropa mo.
-Sumusweldo ka kahit petiks ka lang sa trabaho.
-Wala kang sakit kahit di mo inaalagaan ang sarili mo.
-May pamilya ka kahit di mo nakikita ang halaga nila sa iyo.
-Mahal ka pa din ng Diyos kahit paulit-ulit na lang ang kamalian mo.
-Sinkwenta pa din ang Fishball kahit nagmahal na ang lahat ng presyo.

Ang unfair diba? Nae-enjoy mo yung mga bagay na hindi mo naman deserve na magkaroon ka. Kaya huwag mong tingnan yung mga bagay na wala ka. Tingnan mo yung mga bagay na mapalad kang meron ka at saka ka magpasalamat.

1 komento:

  1. ahehe may Linya ko eh "IT'S NOT UNFAIR, IT IS CALLED IMBALANCE" Ewan ko ba, basta pag medyo dehado o may salungat sa magandang sitwasyon, lagi kong sinasabing Imbalance. Imbalance kase ang tao minsan kaya nagiging unfair ang mga bagay bagay.

    TumugonBurahin