Miyerkules, Nobyembre 9, 2011

Nasasabik na talaga ng sobra
Na sa unang pagkakataon ay makita ka
Sa bawat oras na akin itong naaalala,
Ay hindi mapigilang ngumiti ng abot tenga

Ilang araw na lang ang paghihintay
At magagawa nang sa iyo'y makasilay
Sa wakas ay makikita na ang iyong mga mata
Na dati'y sa isipan lang ipinipinta.

Ang dibdib ay medyo may kaba
Dahil baka hindi mapansin ang aking presensya
Pero kahit isang ngiti mo lang sana
Ang araw ko'y magiging buo na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento