Minsan kong tinigil ang pagtula.
Nabulag
Nawili
Nilamon ng pagkilalang tinamasa
Tinigil ko noon ang pagtula
Umayon sa nais ng madla
Madalas ibalandra ang mukha
Sumunod sa kagustuhan ng mga taong ni hindi ko kilala
Minsan kong tinigil ang pagtula
Dahil tila ba wala namang nakakaunawa
Walang nakababatid ng tunay na nadarama
At kwento sa likod ng mga salita
Ngunit sa paglimot sa tula
Galak ay nawala
Nakamit man ang ninanasa
Pero wala rin namang napala.
Kaya ngayon nga'y bumalik
Sa kung ano ako ay itinindig
Wala mang nakikinig
Mahalaga'y nagagawa ang hilig
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento