Miyerkules, Marso 21, 2012

Wala pa ring nagbago
Gaya noong araw na sinagot mo ako
Labis labis pa rin ang tuwa
Hindi nagmaliw ang ligayang nadarama

Isang buwan na ang nakararaan
Simula noong tayo'y naging magkasintahan
At sa bawat araw na dumaraan
Mas tumitindi ang pagmamahalan

Pag-iibigan ma'y di perpekto
Mga bagay ma'y medyo magulo
Hindi man lahat ay umaayon sa ating gusto
Asahan mong patuloy lang akong kakapit sa iyo

Dahil anomang sabihin ng iba
Sa atin ma'y tumutol sila
Kahit mundo ma'y tumalikod na
Patuloy pa rin na mamahalin ka

Kaya giliw ko
Laging asahan mo
Kahit ako man ay kilalang sira ulo,
Tapat ang pag-ibig ko sa iyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento