Nasa iyo na naman ang gusto mo
—ang inaasam ng lahat
ng nandito.
Bakit gusto mo pang bitawan?”
“Dahil batid kong mawawala rin lahat ito.
Maglalaho
rin kung ano man itong tinatamasa ko
Kaya’t kailangan ko na
silang unahan
bago pa dumating ang araw na iyon.
Para sa huli, masasabi kong
hindi
ako ang talunan.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento