Ito yung dahilan kung bakit nakakatakot ang mundo
Magkamali ka lang
ng isa, tatalikod na ang lahat sa iyo
Ito yung dahilan kung bakit
hindi ka dapat lubusang magtiwala
Kapag wala na sayong pakinabang,
iiwan ka na lamang bigla
Lahat tayo ay nagkakamali, sadya man ito
o hindi
Aanihin natin ang bunga ng maling desisyon na ating pinili
Lahat
tayo ay may baho na hindi kailanman maitatago
Walang sino mang
malinis, wala tayong karapatang magturo
Hindi mo pwedeng sisihin
ang iba kung biguin ka nila
Matagal nang ganyan ang takbo ng mundo,
dapat ay alam mo na
Lahat tayo ay mayroong kanya-kanyang hinaharap na
laban
Hindi ka pwedeng umasa sa iba na mayroon sila sayong pakialam
Magaling
tayong magsalita kapag may kakamping nakikita
Lumalabas ang
katapangan sa likod ng anino ng iba
Lumalakas lamang ang loob kapag
ang kalaban ay mahina na
Pagkawasak ng kanilang mundo, atin pang
ikinaliligaya
Sa huli, kung hindi naman tayo ang tuwirang
sinaktan
Huwag na tayong umastang masyado tayong naaapektuhan
Tama
ngang maibunyag ang mga nagawang kamalian
Pero dapat ba talagang ang
isang taong lugmok ay patuloy na tapakan?
Mahirap na tuloy
malaman kung sino ang tunay na kaibigan
Nakakatakot nang pumili kung
sino ang dapat na pagkatiwalaan
Dahil sila, na inaakala mo na
palagiang naririyan
Ay sila pang unang sayo’y uusig sa oras ng
kagipitan
Miyerkules, Agosto 29, 2012
Linggo, Agosto 12, 2012
Ikampay mo ang pakpak at subukang lumipad
Alisin ang anumang takot na sa iyo’y bumabagabag
Palayain ang isipan mula sa kung anong humahadlang
Upang ikaw ay tuluyan nang sa kalawaka’y pumailanlang
Doon sa himpapawid ay patuloy lang na kumapit
Dahil marahas na hangi’y ibabagsak ka nang pilit
Iligtas ang sarili sa hampas niyang nagngangalit;
Mula sa taglay niyang lakas at tindi ng hagupit.
Kung sakali mang ikaw nga’y bumagsak
At tuluyang biguin ng iyong mga pakpak
Pakatandaan na hindi iyon sapat
Upang ika’y sumuko at iwanan ang lahat.
Dahil ang paglipad ay ang iyong tadhana
Ang siyang dahilan ng iyong pagkakalikha
Kaya’t anong pagsubok man sa iyo’y umantala
Darating ang oras na makalilipad din ng malaya

Biyernes, Hulyo 13, 2012
Nasa iyo na naman ang gusto mo
—ang inaasam ng lahat ng nandito.
Bakit gusto mo pang bitawan?”
“Dahil batid kong mawawala rin lahat ito.
Maglalaho rin kung ano man itong tinatamasa ko
Kaya’t kailangan ko na silang unahan
bago pa dumating ang araw na iyon.
Para sa huli, masasabi kong
hindi ako ang talunan.”

Sabado, Hunyo 23, 2012
Fliptop
Sa patagisan ng salita, labis ang paghanga; mga idol.
Hindi alam kung saan hinuhugot. ‘pag nagsalita, hanep, walang kagatol-gatol.
Sa husay nyong bumanat, hands down, daig pa si senador miriam defensor
Sa sobrang pagtingala, ipagpapatayo ng bantayog. Kahit ako pa ang iskultor.
Pero hindi naman sa pakikialam, mga pare, ito lang naman ay isang katanungan.
Dapat ba talagang sa ganitong labanan, pagkatao ay yurakan? Inam.
Syempre’t ito’y laro lang, hindi pwede ang pikon, walang kimkiman.
Naisip ko lang naman, diba’t ang mga salita, biro man, kayang wasakin ang ating katauhan?
Sa huli, syempre, mind your own business, kanya-kanyang trip yan.
Sang-ayon naman din tayo na ito na nga ang makabagong balagtasan.
Kaya’t bukod lang talaga sa maduduming salita na maaring makaimpluwensya sa mga kabataan,
Walang masasabi, tikom ang bibig, saludo sa inyong kahusayan.

Linggo, Hunyo 10, 2012
Frère
Nagkatagpo sa hindi inaasahang panahon
Pinaglapit ng pagkakataon
Puno ng ngiti habang nililingon
Mga alaalang pinagsamahan natin noon
Naalala mo pa ba?
Noong una tayong nagkakilala
Agad nagkasundo
Nagkapalagayan,
Dahil sa mga pagkakatulad nating dalawa.
Sabi pa nga nila,
Hindi daw nagkakalayo ang ating itsura
At doon na nga nagsimula
Na maging magkapatid ang turing sa isa't-isa
Nais ko sa iyong magpasalamat.
Sa kabutihan,
Sa pagiging tapat na kaibigan,
At sa pag-intindi,
Kahit na ba maging sarili ko'y
Hindi ko rin madalas na maunawaan
Sa pakikinig,
kapag wala na akong matakbuhan
Sa mga payo,
kapag ang dapat gawin ay hindi na alam
Sa pagpaparamdam
na ako'y pinapahalagahan,
Salamat,
kaibigan.
Hindi man laging maayos ang lahat
Inakala noon na ang pagkakaibigan
ay magkakaroon ng lamat.
Ang mahalaga'y iyo'y natapos na
At ang pagsasamahan nati'y naisalba
At sa huling saknong ng tulang ito
Nais kong malaman mo
Na sa ayaw mo man at sa gusto,
Wala ka nang magagawa,
Dahil ako'y panghabang-buhay na kaibigan mo

Sabado, Hunyo 9, 2012
Minamahal kita,
Sinasamba kita.
Sa aking buhay
ay Ikaw ang siyang
Nagbigay kahulugan.
Minamahal,
Sinasamba kita
Sinasamba kita.
Sa aking buhay
ay Ikaw ang siyang
Nagbigay kahulugan.
Minamahal,
Sinasamba kita
Hanapin
mo ako.
Subukan
mong
matagpuan
ang
tahanang
kumupkop
sa akin
noong
ako'y
iniwan mo.
Noong
bigla
mong
nakalimutang
bahagi
ako ng
buhay mo.
Hanapin
mo ako.
mo ako.
Subukan
mong
matagpuan
ang
tahanang
kumupkop
sa akin
noong
ako'y
iniwan mo.
Noong
bigla
mong
nakalimutang
bahagi
ako ng
buhay mo.
Hanapin
mo ako.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)