Lunes, Nobyembre 21, 2011

Hindi na ako virgin.

Sa wakas, nakarating na rin ako sa Trinoma.

Si Nelsie, Rois at Gelo ang naka-devirginize sa akin. Haha. Ang paalam ko sa nanay ko, dun lang ako sa mall sa kabilang bayan pupunta. Pero napadpad ako sa MOA. Tapos wala pang kalahating oras kami doon ay napag-pasyahan naming pumunta sa Trinoma. Unang beses kong makarating doon. Ang sarap ng feeling. Haha. Charot.

Hinintay namin ang pagdating ni Khyle. Ilang oras din yun. Haha. At nung dumating siya kasama ang kuya nyang papable, saka kami kumain. Ang tangkad ni Khyle. Nahiya ako. Haha.
Kuwentuhan, bastusan, videoke, at ka-bitteran kami buong hapon. Ang saya lang na sa unang pagkakataon ay naka-arbor ako ng baller. Salamat Gelo! Haha. Diretso tulog ako pagdating sa bahay dahil sa sobrang pagod.

Anim na buwan na tayo. Maraming salamat sa lahat ng mga kalokohang alaala na kasama ko kayo. Pasensya na kung madalas e hindi ako nagiging mabuting kuya sa inyo. Salamat sa pagintindi sa pagiging siraulo ko. Miss ko kaagad kayo. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento