'May alam po ba kayong problema o dinadala ni Jerome at bakit ganoon na lang ang mga nakasulat sa blog niya?'
May nagtanong daw nito sa nanay ko. Hindi na nya maalala kung sino. Wala din akong ideya dahil konti lang naman ang nakakaalam sa aking blog na parte mundo ko sa labas ng blog site na ito. At hindi rin naman nila binabasa mga nakasulat dito. Lokong 'yon. Nagulat tuloy ako noong sinabi sa akin ito ng nanay ko. May halo ding kaba dahil baka maisipan niyang basahin ang mga laman nito. Eh ang alam pa naman nila e mabait at disente akong tao.
Pero may problema nga ba ako? Bakit nga ba seryoso at puno ng drama ang karamihan ng mga sinusulat ko? Kasi kung tutuusin ay malayo ito sa totoong ugali ko. O at least sa mga nakikita sa akin ng mga nakakasalamuha kong tao. Dahil ang ako sa likod ng monitor na ito ay masayahin at laging nakangiti lang. Sabagay, pati nga litrato ko dito, malayo din sa itsura ko kapag nakita mo na ako sa personal.
Wala lang. Wala naman akong problema. Wala akong malaking problema na kinahaharap sa buhay ko. Bukod sa kung papaano ko pagkakasyahing maitawid ang mga luho ko sa kakarampot kong sweldo at sa kung papaano mababago ang pagiging bokya ng buhay pag-ibig ko, wala na akong maisip na ibang maaaring problemahin pa. May mga pagkakataon lang talaga na kailangan kong mailabas ang nararamdaman ko. Kasi nga lagi na lang akong nakangiti. Parang tanga lang. Kahit nahihirapan na. Kahit nasasaktan. Parang ewan. Ngingiti-ngiti lang. Nasanay na lang na sinasarili ang nararamdaman. Kaya ito na lang blog ko ang nagsisilbing aking hingahan. Yung nagsisilbing outlet ko parang maialis yung mga bad vibes sa bawat araw.
Kaya kung susumahin natin, yung killer smile (o 'ngiting aso' sa tagalog lol) ko ang may kasalanan. Kasi kung marunong lang akong maglabas ng nararamdaman ko at hindi laging nakangiti lang, malamang ay hindi ko na kailangan pang mag-drama sa blog na ito kahit kailan.
come to tink op it
TumugonBurahinsa buhay ko sa labas walang nakaka-alam ng blog
ko mahirap na kasi baka makita ng mga kilala ko kung anu yung pinag-tatype ko dito :)
kaya ayun haha!
haha. mapalad na dinako na ni-shrug off na lang ng nanay ko yun pagkatapos nyang banggitin. Buti't di diya naisipan basahin. :)
TumugonBurahin